Posted April 3, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Labis na ikinatuwa ng Aklan Provincial Government
ang pagkahirang bilang Most Valuable Player (MVP) sa isang atletang Aklanon sa
katatapos na UAAP Season 76 Men’s Volleyball tournament.
Kaugnay nito isang resolusyon ang inihain sa 12th
Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na inisponsor ng lahat
ng myembro ng konseho upang bigyang parangal si Reuben Nemis Inaudito.
Si Inaudito ay myembro ng National University (NU)
Bulldogs kung saan dinomina ang laban sa UAAP Season 76 Men’s Volleyball
tournament na napanatili ang korona bilang kampeon.
Samantala, nabatid na humataw ang NU sa finals
laban sa Ateneo de Manila University gamit ang 25-22, 21-25, 25-23, 27-25 na panalo
sa pagtatapos ng Season 76th UAAP men’s volleyball noong March 5, 2014 sa Smart
Araneta Coliseum.
Kabilang sa mga mahigpit na nakalaban ng NU Team
Skipper Reuben Inaudito ang Rookie-MVP ng Ateneo na si Marck Espejo.
Napag-alaman na si Inaudito ay tubong Numancia
Aklan at naging varsity sa volleyball sa National University.
Samantala ang University Athletic Association of
the Philippines (UAAP) volleyball tournament ay ginaganap tuwing second
semester ng pasukan at sinimulan noong 1938.
No comments:
Post a Comment