Posted March 29, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Maaga pa lang kanina nang sumugod sa Boracay PNP
Station si ABS-CBN Bacolod News Chief Harold Limbo.
Hindi upang kumuha ng police report kundi upang
magpa-blotter.
Ninakaw umano kasi ang kanilang pera at gamit sa
loob mismo ng kanilang kwarto sa tinutuluyang resort sa So. Manggayad Barangay
Balabag Boracay.
Base sa report ng Boracay PNP, iniwan ng mga
biktima ang kanilang gamit sa kwarto ng tinutuluyang hotel at nag-dinner sa
labas.
Subalit nang bumalik na umano ang mag-asawa at
nang suriin ang mga gamit, ay doon na nalaman na nawawala ang kanilang pera
na nagkakahalaga ng limang libong piso, at tablet na nagkakahalaga ng 15
thousand pesos.
Naniniwala naman si Limbo na inside job ang
nangyaring pagnanakaw at dismayado rin ito dahil sa kawalan ng CCTV at
kaukulang seguridad sa nasabing hotel.
Nabatid na napiling magbakasyon sa Boracay ng mag-asawa para ipagdiwang sana ang kanilang wedding enniversary.
Nabatid na napiling magbakasyon sa Boracay ng mag-asawa para ipagdiwang sana ang kanilang wedding enniversary.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng
mga taga Boracay PNP Station.
No comments:
Post a Comment