Posted April 5, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Asec.
Dr. Eric Tayag nang bumisita sa isla ng Boracay kahapon.
Kaya naman, ipinahayag nito na isa ang “Vector
Control” at iba pang mga “vector-borne diseases” ang tinututukan ngayon ng DOH
sa pagdiriwang ng World Health Day sa darating na Lunes, April 7, 2014.
Samantala, dagdag pa ni Tayag na muli ding
ilulunsad ngayong taon ng DOH ang mas agresibong kampanya laban sa dengue.
Aniya, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga routine
clean-up activity, integrated vector control at information campaign sa mga
komunidad upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng dengue.
Nabatid rin mula kay Tayag na ang dengue ay
nagdudulot ng mga sintomas kagaya ng lagnat na humuhupa makalipas ang ilang
araw.
No comments:
Post a Comment