Posted April 3, 2014 as of 12:00nn
Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Bagamat hindi pa naghihigpit ang LGU Malay para sa
CCTV Cameras sa mga establisyemento sa Boracay, hindi naman umano ito
isinasantabi.
Ayon kay Malay SB Secretary Corcodia Alcantara, mayroon na umanong ordinansa tungkol dito kung saan
required ang lahat ng mga establisyemento sa isla at Malay na maglagay ng
kanilang Close-circuit television (CCTV).
Pero sa ngayon umano ay mas pinagtutuunan muna ng
pansin ng lokal na pamahalaan ng Malay ang 25+5 meter ordinance sa Boracay.
Iginiit naman ni Alcantara na marami na ring mga
establisyemento sa isla ang nagco-comply nito kung saan para na rin sa kanilang
seguridad at maging sa kanilang negosyo.
Nabatid na isinama na rin ito sa mga requirements
kapag magre-renew ng business permit sa licensing Department ng LGU Malay, ngunit
hindi parin ito inoobliga dahil nag-aantay pa sila ng utos mula kay Mayor John P.
Yap kung kailan ito ipapatupad.
Magkaganon paman hindi parin ligtas ang lahat ng
mga establisyemento sa Boracay sakaling obligahin na ang pagpapatupad ng LGU
Malay.
Bagamat magastos ito sa bahagi ng may-ari, malaki
naman ang maitutulong ng CCTV camera sa paghuli sa mga masasamang loob at gayon
din sa pagresolba sa mga kreming nangyayari sa isla o sa alin mang lugar.
No comments:
Post a Comment