YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 05, 2014

Commuters sa Boracay, ikinatuwa ang kautusan kaugnay sa mga tricycle drivers na namimili ng pasahero

Posted April 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng mga commuters sa Boracay ang ipinalabas na kautusan ng Office of The Mayor kaugnay sa mga tricycle drivers na namimili ng pasahero.

Ito’y matapos na maraming mga tricycle drivers ang sadyang namimili ng mga pasahero na nagiging dahilan ng pagkaantala ng mga local passengers o commuters sa kanilang pupuntahan.

Basi sa nakasaad na advisory maaaring tumawag o mag-report sa kanilang tanggapan ang mga pasahero na nakakaranas ng ganitong problema.

Samantala, apektado rin ng problema ito ang mga estudyante sa isla dahil inaabot sila ng ilang oras sa kakapara ng tricycle ngunit kadalasan ay tinatanggihan sila.

Napag-alaman na karamihan sa mga driver sa isla ay pinipili ang mga foreign tourist na pasahero dahil malaki ang kanilang kinikita sa mga ito.

2 comments:

  1. Mabuti naman at napansin nila. Even me marami na akong naka banggang driver na pumipili ng pasahero.. Salamat

    ReplyDelete
  2. Gawin nilang ordinansa at huliin ang mga driver na yan bukod sa namimili ng pasahero ay karamihan sa mga driver na yan ay hindi taga dito or hindi sila tubong malaynon or boracaynon, kumikita sila ng malaki samantalang hindi nagbabayad ng buwis sa malay, kami itong kukunti lang ang sweldo pero sagad kung magbayad ng buwis sa malay at gobyerno, dapat lang naman sigurong irecommend sa na magbayad din sila nang sa ganon ay macontrol ang mga swapang na driver na hindi taga dito. Kanino dapat magsumbong kung sakali? At baka for record purpose only lang ang complain? Maaksyonan sana nila agad? Baka naman hanggang salita lang sila tapos walang follow up aksyon. Maraming salamat! Sana magtuloy tuloy eto.

    ReplyDelete