Posted April 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aprobado na ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Memorandum
of Agreement o MoA kaugnay sa Supplementary Feeding Program ng DSWD.
Ang nasabing MoA ay hiniling ni Mayor John P. Yap sa SB
Malay sa pamamagitan ng Department of Social Welfare (DSWD)-Field Office VI
para sa nasabing programa.
Ito’y tinalakay sa ginanap na SB Session ng Malay kahapon
ng umaga kung saan sinang-ayunan naman ito ng buong konseho.
Bilang benipisyaryo nito ang Supplementary Feeding
Program ng DSWD ay pakikinabangan ng child and welfare, family and community
welfare and nutrition services ng bayan ng Malay.
Natuwa naman ang SB Malay sa Feeding Program ng DSWD na may
malaking gagampanan para sa kanilang bayan.
Samantala, nagawan na rin ang nasabing MoA ng draft ng SB
Office para masimulang maipatupad ang nasabing programa.
No comments:
Post a Comment