Posted April 5, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kabababa pa lang ng kautusan ng lokal na pamahalaan
hinggil sa mga “choosy” na driver sa pagpapasakay ng mga pasahero.
Isang tricycle driver sa isla ng Boracay kagabi ang
inereklamo ng 59- anyos na ginang matapos na pababain ng driver sa tricycle na
may body no. na M-583 nang makakita umano ito ng anim na mga turista.
Ayon pa sa report ng Boracay PNP, sumakay umano ang
ginang sa nasabing tricycle kasama ang dalawa nitong anak galing sa Yapak,
Boracay nang makarating sa bandang unahan ay agad silang pinababa ng driver
dahil sa mas pinili nitong pasakayin ang nasa anim na mga turista.
Samantala, nabatid na nagbaba ng advisory ang local
na pamahalaan nitong linggo kung saan maaaring tumawag o mag-report sa kanilang
tanggapan ang mga pasahero na nakakaranas ng ganitong problema.
No comments:
Post a Comment