YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 01, 2014

Bureau of Fire Boracay, nakapagtala ng dalawang insidente ng sunog ngayong buwan ng Marso

Posted March 31, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakapagtala ng dalawang insidente ng sunog ngayong buwan ng Marso ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay.

Ito ang ibinalita ni BFP Inspector Joseph Cadag kaugnay sa kanilang Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Cadag, nagpasalamat ang BFP Boracay at Malay, dahil isa lamang sa dalawang insidente ang may malaking pinsala, kung saan ang pinakahuli ay ang nangyari sa mainland Malay.

Samantala, tuloy-tuloy parin umano ang kampanya at mga programa ng BFP kung saan isang malawakang information campaign ang  nakahanay para sa mga paaralan sa isla.

Ito’y upang ipaalam ang hinggil sa mga posibleng pagmulan ng sunog at ang mga dapat gawin para maiwasan ito.

No comments:

Post a Comment