YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 03, 2014

Tricycle Driver, inereklamo ng Threat sa Boracay PNP matapos na umano’y kumuha ng baril at nambanta

Posted April 3, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dumulog sa himpilan ng Boracay PNP Station ang mag-ina matapos na umano’y pagbantaan ng isang tricycle driver.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, mag-aalas dose kaninang hating gabi nang dumating ang mag-ina at lalaki nitong anak sa himpilan ng pulisya upang maghain ng reklamo.

Inirereklamo rito ang isang tricycle driver na umano’y, ayon sa salaysay ng mga biktima na habang naglalaro umano itong 22 anyos na anak na lalaki sa pool malapit sa kanilang lugar sa Talipapa Bukid Manoc-manoc Boracay.

Isang mainit na argumento ang namagitan sa kanila ng tricycle driver kung saan nag-resulta sa pumasok di umano itong trycle driver sa bahay nito at kumuha ng baril saka pinagbabantaan at tinatakot ang mga biktima.

Bagay na magdesisyon itong mag-reklamo sa kapulisan.

No comments:

Post a Comment