Posted April 4, 2014 as of 5:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang
publiko laban sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng tag-init.
Kaya naman, nasa isla ngayon ng Boracay si DOH
Asec. Dr. Eric Tayag para sa kaukulang impormasyon upang maiwasan ang mga sakit
na nakukuha tuwing summer season lalo na sa mga mahilig pumunta ng beach.
Kaugnay nito, nagpaalala si Tayag sa publiko na
mag-ingat sa heat stroke, gayundin sa sunburn, prickly heat o bungang-araw at
iba pang sakit sa balat.
Aniya, ugaliing gumamit ng sun block o skin lotion
at dapat iwasan ang pagbibilad sa sikat ng araw sa pagitan ng alas dyes ng
umaga at alas dos ng hapon upang makaiwas sa mga sakit sa balat.
Samantala, idinagdag rin ni Tayag na ang labis na
pagkabilad sa matinding sikat ng araw ay
maaaring maging sanhi ng heat exhaustion o di kaya’y heat stroke na
nakamamatay.
Kung nasa beach, payo din nito na huwag pabayaan
ang mga bata na maligo nang walang kasamang matatanda upang makaiwas sa
disgrasya.
Kung nais naman umanong magpa-tan o magpaitim ng
kaunti, dapat munang uminom ng maraming tubig upang makaiwas sa dehydration.
No comments:
Post a Comment