Posted April 3, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ipinangako ngayon ni Malay Mayor John Yap na tutugunan
ang mga problemang kinakaharap ng ilang miyembro ng MPOC.
Sa ginanap na Malay Peace and Order Council (MPOC )
meeting kaninang umaga, sinabi ni Boracay PNP Chief PSInspector Mark Evan Salvo
na nangangailangan ng desktop computers ang kanilang himpilan para sa kanilang
pang-araw-araw na operasyon.
Inirekomenda din nito ang pagpapalagay ng mga
street lights sa mga madilim na bahagi ng barangay Manoc-manoc at Yapak.
Samantala, sa kabila ng kanilang accomplishment
report, inilatag naman ni Malay PNP Chief PSInspector Reynante Jomocan ang
kanilang pangangailangan ng radio communication, karagdagang pulis, at
motorsiklong magagamit para sa mga barangay sa Malay na mahirap pasukin.
Kaugnay nito, kaagad ipinag-utos ng alkalde na
trabahuin na ang intelligence fund ng MPOC para masolusyunan ang nasabing problema.
No comments:
Post a Comment