YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 26, 2014

Mga bagong opisyal ng KBP Aklan, nanumpa na kanina

Posted March 26, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Partner in development”.

Ganito ang turing ni Governor Joeben Miraflores sa Kapisanan Ng Mga Broadcaster Ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter.

Sa ginanap na Oath Taking Ceremony kaninang umaga kung saan ito naging inducting officer, malugod na binati ni Miraflores ang mga bagong opisyal ng KBP Aklan Chapter.

Pabiro din nitong sinabi na kahit may mga batikos umano sa kanya ay nagpapasalamat pa rin sya dahil sa nagsisilbi umano itong oportunidad para mas mapaganda pa ang kanyang serbisyo sa publiko.

Samantala, sa mensahe namang ibinigay ni bagong Aklan KBP Chairman Ron Bautista.

Sinabi nito na bagamat maituturing na malaking responsibilidad ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong pangulo ng organisasyon.

Handa umano syang tanggapin ang hamon at gawing mas aktibo ang Kapisanan ng mga Broadkaster sa probinsya.

Isa na rito ang pagkakaroon ng mga iba’t-ibang programa para sa patuloy na ikagaganda ng komunidad, gayundin ang pagpapaigting ng kredibilidad nito bilang myembro ng ikaapat na estado.

Samantala, ang mga bagong itinalagang myembro ng KBP Aklan ay sina Apolonio Zaraspe, III ng UBS Energy FM bilang Vice Chairman, Lucy Villaruel ng IBC DYRG bilang Performance Officer, DT Joy Gener ng RMN Kalibo bilang Secretary, Jhinkie Jane Rodillas ng Love Radio Kalibo bilang Treasurer, John Chester Redicio ng Bombo Radyo Kalibo bilang Auditor at Eleanor Defensor-Reyes ng IBC DYRG bilang Executive Secretary.

Ang YES FM 911 at 93.5 Easy Rock Boracay ng Manila Broadcasting Company (MBC) ay isa sa mga matatag na miyembro ng KBP sa Aklan.

No comments:

Post a Comment