Posted March 29, 2014 as of 2:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya naman naghahanda na rin ang mga
establisyemento sa Boracay para sumuporta sa nasabing aktibidad.
Kaugnay nito, mahigpit rin ang ipatutupad na
seguridad mamayang gabi ng mga taga Boracay Tourist Assistance Center (BTAC)
lalo na’t magpapatay ng mga ilaw at iba pang kagamitan na gumagamit ng kuryente
ang publiko.
Samantala, maaalalang hinihikayat ng Department of
Natural Resources (DENR) ang mga Pilipino na makiisa sa isang oras na pagpatay
ng ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30.
Ito’y dahil sa makatutulong umano ito upang labanan
ang climate change na sanhi ng mga kalamidad.
Inaasahang namang makikiisa sa Earth Hour 2014 ang
153 bansa kabilang ang Pilipinas.
Nabatid na ito na ang pang-anim na beses na
aktibong nakilahok ang Pilipinas sa Earth Hour simula nang sumali ito noong
taong 2008.
No comments:
Post a Comment