Posted March
27, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Photo credit by antondsantiago.com |
Matumal pa ang kita ng mga souvenir shops sa Boracay kahit
simula na ang summer season.
Ayon sa ilang may-ari ng souvenir shops, mahina pa ang
kanilang income sa kabila ng unti-unti nang pagdatingan ng mga turista sa isla.
Si Aling Liza ng isang souvenir shop sa station 1
Balabag, nakangiti paring ikinuwento na hindi manlang tumaas ang kanilang kita
nitong nakaraang tatlong araw.
Aminado rin kasi ito na sa mga foreign tourist lamang
halos sila nakakabawi sa kanilang mga ibinibentang souvenirs.
Photo credit kayelangit-luistro.blogspot.com |
Yun nga lang aniya, katakot-takot na tawaran sa presyo
ang kanilang nararanasan mula sa mga grupo ng mga turista na hindi ganon
ka-galanti kung ikukumpara sa iba.
Magkaganon paman, sinabi nito na masaya siya dahil maraming
mga turista ang nagbabakasyon sa Boracay kapag summer at kuwaresma.
Nabatid na kadalasang patok sa mga turista dito ang
iba’t-ibang souvenir katulad ng mga accessories, Boracay bags at Boracay
T-Shirts.
No comments:
Post a Comment