YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 25, 2014

Mga bubog ng basag na bote at debris ng dinimolish na sea wall sa dalampasigan, paulit-ulit na nililinis

Posted March 25, 2014 as of 12:00 noon
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sadyang napakasarap maglakad nang nakapaa sa dalampasigan ng Boracay.

Nakaka-relax kasi bukod sa malamig sa paa ang pino nitong buhangin.

Subali’t kailangan mo ring mag-ingat dahil sa mga bubog ng basag na bote at matutulis na debris ng dinimolish na sea wall na nagkalat doon.

Si Rey, matagal nang nagtatrabaho sa isang resort sa station 1 Balabag.

Sinabi nito na marami talaga silang nakukuhang mga bubog ng basag na bote, sa tuwing maglilinis sila sa kanilang beach front, maliban pa sa matutulis na debris ng tinibag na sea wall.

Ayon kay Rey, delikado ang mga ito lalo na sa mga mahilig maglakad sa dalampasigan nang nakapaa lamang.

Samantala, aminado naman dito ang ilan sa aming nakapanayam na taga BSWAT o Boracay Solid Waste Action Team.

Sinabi ng mga ito na marami nga talaga silang nakukuhang bubog at debris sa sa dalampasigan.

Subali’t paulit-ulit din nila umano itong nililinis upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo pa’t summer season na.

No comments:

Post a Comment