Posted
March 24, 2014
Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Ito’y kaugnay sa mga
insidenteng hindi agadnarerespondehan o naiimbistigahan ng mga kapulisan,
katulad na lamang ng pagkawala ng gamit ng mga turista.
Ang siste, hindi rin
pala agad ito inirereport sa kanila ng mga tour guide.
Ayon pa sa
Boracay PNP, magtatatlong araw na ang nakakalipas matapos magreklamo ang
turista, saka pa lamang nairereport.
Magkaganon paman,
wala namang magawa ang mga pulis kungdi irecord ang reklamo ng mga turista na
sinamahan ng kanilang tour guide.
Kaugnay nito, muli
na namang nagpaalala ang Boracay PNP sa mga tour guide sa isla na kaagad
magreport at makipagtulungan sa kanila para maaksyunan ang reklamo ng kanilang kliyente.
Nabatid na
kadalasang nagpaparecord sa Boracay PNP ang mga turista kapag nawawala o
ninakaw ang kanilang gamit.
No comments:
Post a Comment