Posted March 28, 2014 as of
12:00nn
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naging prayoridad ng Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan ang Service Charge ng
mga manggagawa sa isla ng Boracay.
Ayon kay DOLE Aklan Provincial Director Vidiolo
Salvacion, marami umano kasi silang natatanggap na ibat-ibang
reklamo mula sa mga manggagawa sa isla tungkol sa Service Charge (SC) na kanilang
natatanggap buwan-buwan.
Samantala, kalimitan umano sa mga ito ay kulang ang
natatanggap na SC na siyang nagiging dahilan kung bakit nagkakaproblema ang
isang manggagawa sa kaniyang pinapasukang trabaho.
Sa kabilang banda, nilinaw pa ni Salvacion na kung
ang isang establisyemento o kumpanya ay walang ipinapataw na service charge sa
kanilang mga kustumer ay wala din umanong matatanggap na service charge ang mga
manggagawa.
Sinabi pa nito na maaari namang maharap sa penalidad
ang isang business establishment sakaling hindi nila maipakita ang kanilang
kinikita sa service charge na nagiging basehan din kung magkano ang mapupunta
sa mga manggagawa.
No comments:
Post a Comment