Posted March 26, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
‘Ok’basta wala lang tent.
Ito ang sinabi ni BICOO o Boracay Island Chief Operations
Officer Glenn Sacapaño kaugnay sa mga inaasahang summer events sa Boracay.
Sinabi nito na pinahihintulutan nila ang events basta
sumunod lamang ang mga ito sa ordinansa.
Pinagbawalan nga naman kasi aniya ang mga negosyante sa
isla na maglagay ng tent, kung kaya’t hindi rin dapat pahintulutan ang sa mga
events, dahil magiging unfair ito sa iba.
Maliban sa mga tents, mahigpit din aniya nilang
ipapatupad ang ordinansa kaugnay sa mga sounds o ingay.
Samantala, nilinaw din ni Sacapaño na maaaring
pahintulutan ang paggamit ng tent, kapag bad weather o masama ang panahon.
Ayon sa ilang mga turista, lalong nagiging masayang
puntahan ang Boracay kapag may mga summer events.
Matatandang sinabi ni Sacapaño na may kahigpitan, ngunit balanse
ang pagpapatupad nila sa batas at ordinansa sa isla ngayong summer.
No comments:
Post a Comment