Posted
March 28, 2014 as of 6:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kailangang-kailangan talaga na may sariling fire truck at fire station
sa bayan ng Malay.
Kaya naman minamadali na umano ngayon ng Department of the Interior and
Local Government (DILG) na matugunan ang nasabing pangangailangan ng munisipyo.
Ayon kay Local Government Operations (LGO) V Mark Delos Reyes.
Kailangang may instant na responde sakaling may mangyaring sunog sa
bayan o mainland Malay.
Maliban kasi sa first class municipality ang Malay, aminado rin ito sa
sitwasyon ng munisipyo kapag may sunog, dahil wala itong sariling fire truck.
Samantala, nilinaw ni Delos Reyes na hindi nito pinangungunahan ang
munisipyo tungkol dito, bagkus ang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Nabatid na ang fire truck ng TransAire sa Caticlan Airport ang
nagsisilbing responde sa tuwing may sunog sa mainland Malay.
No comments:
Post a Comment