Posted
March 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagplabas ng paalala ang Public Employment Service Office
o PESO Aklan kaugnay sa bagong singil sa pagkuha ng National Bureau of
Investigation (NBI) clearances.
Itoy basi sa memorandum ni Secretary Leila M. De Lima ng
Department of Justice kay Director Virgilio L. Mendez ng National Bureau of
Investigation (NBI) kaugnay sa pagtaas ng singil ng NBI clearance simula sa Abril
1, 2014.
Nakasaad sa Administrative Order No. 31 na may petsang
Oktubre 1, 2012 ang “directing and authorizing all heads of Departments,
Bureaus, Commissions, Agencies, Offices at Instrum, entalities ng National
Government kabilang ang Government-Owned at Controlled Corporations (GOCCs) upang
isakatwiran ang mga singil at bagong bayarin.
Nabatid na mula sa dating P415 na binabayaran ng NBI
clearance applicants para sa “purpose” na Naturalization, Cancelation of ACR at
Repatriation, gagawin na itong P500.
Kabilang din sa itinaas ang clearance para sa Change of
Name, Business license, NFA, SEC, TCB, Adoption, POEA, PRA Requirement at
Permit to Carry Firearms, P200 na ang halaga ng bayad mula sa dating P165.
Para sa applicants ng clearance for Travel Abroad, Visa,
Immigration Requirement, Visa Seaman, Seaman’s book, TCB for RTO, Local
Employment, Custom Pass ID Enlisted AFP, DND, DOT Requirement, ID Purposes na dating
P115 ay itinaas ito sa P200.
Napag-alaman kung bakit nag taas ng singil ang NBI ay
dahil para mapapagaan umano ang cashiering system, pagsusukli sa mga butal o
barya at madaragdagan pa ang koleksiyon ng gobyerno na maaring gamitin sa
pagpapaunlad pa ng sistema.
No comments:
Post a Comment