Posted March
27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit ang pagtutol ng Department of Education (DepEd) Aklan
sa pagkakaroon ng magarbong graduation rites sa pampublikong paaralan.
Ayon sa Division Office ng DepEd Aklan, mahalaga parin
umano ang pagkakaroon ng simpleng graduation ang mga estudyante.
Nararamdaman umano ng DepEd kung gaano kahirap sa mga
magulang ng mga mag-aaral ang maghanap ng panggastos na sadyang napakasakit sa
bulsa.
Isa pa sa hindi makakalimutan ng DepEd ay ang nagdaang
matinding kalamidad sa probinsya na kahit apat na buwan na ang nakakalipas ay
marami parin ang hindi nakakabangon sa buhay.
Nilinaw pa ng pamunuan ng DepEd na bawal ang
pangungulekta ng kahit ano ang principal maging ang guro para sa pagkakaroon ng
magarbong graduation.
Sa kabilang banda kahit may pagtutuol din umano ang
kanilang kagawaran ay depende rin ito sa pagkakasunduan ng mga magulang ng mga
estudyante kung nais nilang gumastos sa paggamit ng toga sa araw ng graduation
bastat hindi manggaling ang utos sa mga guro.
No comments:
Post a Comment