Posted March
26, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Maaaring hindi na muli makapagpatugtog sa bar ang isang Club
DJ sa Boracay, matapos umano itong mahulihan ng marijuana.
Sa isang buy bust operation na ikinasa ng pinagsanib na
pwersa ng BTAC o Boracay Assistance Center at PIBO o Provincial Intelligence
Branch Operatives, naaresto dakung alas 3: 30 kaninang madaling araw sa Sitio
Bolabog, Balabag Boracay ang Club DJ o Disc Jockey na si Michael David
Collantes, 39 anyos ng Las Pinas, Metro Manila.
Nakuha mula sa suspek ang tinatayang 1.2 kilo ng
pinatuyong dahon ng marijuana.
Nabatid na hindi na maaaring makapagpiyansa ang suspek,
dahil sa laki ng value o halaga ng drogang nakuha sa kanya.
Samantala, bago nito, natimbog din kaninang hatinggabi ng
mga operatiba ang isang therapist sa Sitio Bantud Manoc-manoc, Boracay.
Narekober mula sa suspek na si Soledad Natural, 56 anyos ng
EspaƱa, Manila at kasalukuyang residente ng Manoc-manoc, Boracay ang 9 na
sachet ng suspected shabu.
Ikinostodiya naman ng Boracay PNP ang mga suspek dahil sa
paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, para
sa karampatang disposisyon.
Matatandaang nagbabala ang mga otoridad laban sa mga
nagbibenta ng ilegal na droga sa isla na tigilan na ang nasabing gawain.
No comments:
Post a Comment