Posted March 29, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ngayon ang Municipal Social Welfare
Development Office (MSWDO) ng Malay na hirap sila at maingat sa mga ginagawang
hakbang.
Ipinaliwanag ni MSWD Officer Magdalena Prado na dahil
sa mga batas na nagpo-protekta sa mga katutubong sangkot sa ganitong gawain,
nahihirapan din ang tanggapan nila sa pagbigay sulosyon sa bagay na ito.
Samantala, inihayag din ni Prado na kapag piniliit
nila ang nais nilang mangyari, maaaring malabag ng MSWDO ang batas, katulad na lamang
ng pagtataboy at hindi pagpapapasok sa Boracay ng mga katutubo, na labag naman
sa karapatang pantao.
Katunayan, napag-usapan na rin umano ito kasama ang
Commission on Human Rights at National Commission for Indigenous People (NCIP),
subalit wala pa ring malinaw na solusyon.
No comments:
Post a Comment