Posted March 24, 2014 as of 12 noon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y dahil sa taunang ginugunita ang kabayanihan
ng XIX Martyrs of Aklan sa panahon ng pananakop ng mga kastila sa lalawigan.
Kaugnay nito, masayang idinaos ang selebrasyon kahapon
kung saan dinaluhan ng ilang mga mataas na opisyal ng probinsya.
Isinagawa naman ang programa sa pamamagitan ng
pag-alay ng mga bulaklak sa XIX Martyrs marker sa S. Martelino St. at
Archbishop Reyes St. sa bayan ng Kalibo, kung saan ikinulong at tinurture
ang mga bayaning Aklanon.
Sinundan naman ito ng civic-military parade at 21
gun salute na pinangunahan ng Philippine Army.
Naging panauhing pandangal sa nasabing selebrasyon
si Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, kung saan sinabi nito na ang kagitingan
ng mga naunang Pilipino ay magsisilbing inspirasyon sa mga susunod na
henerasyon na huwag matakot na ipaglaban ang karapatan.
Samantala, nabatid na nakasaad sa Republic Act No.
7806, na tuwing ika-23 sa buwan ng Marso ay Special Public Holiday sa buong
probinsya.
Sa Aklan Freedom Shrine naman makikita ang
ipina-ukit na 19 na mga monumento ng XIX Martyrs bilang simbolo ng pagkilala sa
kanilang ginawang kabayanihan para sa kalayaan.
No comments:
Post a Comment