Posted March 29, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaugnay nito, hindi isinasantabi ng Municipal
Social Welfare Development Office (MSWDO) ang posibilidad na inuutusan ng mga
mas nakakatanda ang mga bata upang mamalimos.
Ayon kay MSWDO Head Magdalena Prado, maaaring
kasuhan ang mga gumagamit sa mga menor de edad sa ilalim ng Republic Act No.
7610 na nagbibigay proteksyon sa mga kabataan laban sa pangaabuso at pangbubugaw.
Gayunpaman, sinabi ng Department of Social Welfare
and Development na bumabalangkas na sila ngayon ng mga programa upang maisaayos
ang kapakanan ng mga kabataan.
Humihingi din ang MSWD ng agarang kooperasyon sa
publiko kaugnay sa mga pagala-galang namamalimos sa isla para mabigyan ng
aksyon.
No comments:
Post a Comment