Posted March
26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang matutupad na ngayon ang hiling ng mga magulang
at mag-aaral ng Caticlan Elementary School na ilipat sa isang tahimik at maayos
na lugar.
Sa Other matters sa Malay SB Session kahapon, sinabi ni
SB Member Manuel Delos Reyes nagkaroon na sila ng pag-uusap ni Malay
Adminstrator Godofredo Sadiasa tungkol dito.
Ilan umano sa nakikitang mangyayari ni Sadiasa ay mailipat
ang nasabing paaralan sa kung saan ngayon nakatayo ang Malay Public market na
makikita rin sa nasabing baranggay.
Ayon kay Delos Reyes, hinahanapan na ng LGU Malay ng
lugar na kung saan posibleng pagtayuan ng kanilang Public Market para mailipat
ang paaralan.
Nabatid na ang paaralan ng Caticlan ay sa gilid lamang ng
Caticlan Airport na kung saan ay nakakaranas ng matinding ingay ang mga
mag-aaral sa tuwing may nagta-take-off at nagla-landing na eroplano.
Nauna na ring hiniling ng principal ng nasabing paaralan
na sanay mabigyan aksyon ang kanilang problema dahil malaki ang naidudulot
nilang abala sa mga batang nag-aaral lalo na pagdating ng exam na nawawalan ng
concentration.
Sa ngayon patuloy na ring prinoproseso ng LGU Malay ang budget
para dito upang mapadali ang paglilipat ng paaralan kabilang na ang public
market.
No comments:
Post a Comment