Posted March
27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsisimula nang dumagsa ang mga aplikante sa isinagawang job fair ng Provincial
government at PESO Aklan sa bayan ng Kalibo ngayong araw.
Itoy
bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso na may
temang “Juana, ang Tatag Mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong”.
Sa
pangunguna ng provincial government at sa pakikipagtulungan sa Provincial
Public Employment Service Office ay inilunsad ang nasabing Job Fair ngayong
Huwebes hanggang bukas araw ng Biyernes, Marso 27 at 28 sa Aklan Comprehensive
Center for Women simula kaninang alas
8:00 ng umaga hanggang mamayang alas 5:00 ng hapon.
Katuwang
nito ang Aklan Gender and Development Commission (AGADC) Local Business
Establishments, isang Shipping Company, Overseas Licensed Recruitment Agencies
at Department of Labor and Employment (DOLE).
May
28 namang mga kumpirmadong Employers at Human Resource Officers ang haharap sa
pag-interview at pagtanggap ng mga aplikante sa ibat-ibat mga bakanteng trabaho
sa Kalibo, Boracay, Iloilo, Capiz, Manila at maging sa Abroad.
Halos
tatlong libong bakanteng posisyon ang kayang maaplayan sa dalawang araw na Job
Fair kung saan ilan lamang sa mga ito ay trabaho sa hotel, restaurant, mall,
office work, engineer, sales and marketing at ilan pang matataas na posisyon sa
ibat-ibang kumpanya.
meron poh bang hiring dito sa aklan ngayong august hanggang september?
ReplyDelete