Posted March 28, 2014 as of
12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Bakas sa mukha ng mga 4th year students
ng Boracay National High School ang kasiyahan at pagmamalaki habang naghahanda sa kanilang processional
entrance.
Graduation Day kasi nila kaninang umaga na
sinaksihan din ng kani-kanilang pamilya.
Sa ginanap na 39th Commencement
Exercises ng paaralan, makikita din ang tuwa sa mukha ng kanilang mga magulang
habang binabasa ni Boracay National High School Principal II Jose Niro Nillasca
ang confirmation ng mga ga-graduate.
Samantala, galak na galak naman ang panauhing
tagapagsalita sa programa na si Patrocenia Mamburam, Principal II ng Malinao
Elementary School nang batiin ng mga magsisipagtapos ng “Good Vibes”.
Aniya, ang mga kabataan talaga ngayon ay ibang-iba
sa tinatawag na curiosity at pag-didiskubre ng mga iba’t-ibang bagay.
Ito rin umano ay nagpapahiwatig sa
pagkakahalintulad ng kanilang graduation theme na “Hindi matitinag ang pusong
Pilipino” na ang pagpapayaman ng kaalaman ay syang susi sa tagumpay.
Samantala, pinaalahanan naman nito ang mga
estudyante na magsumikap sa pag-aaral at huwag sayangin ang paghihirap ng mga
magulang upang sila ay mabigyan ng magandang edukasyon.
Hinikayat din ni Mamburam ang mga estudyante na
huwag kalimutan ang mga magagandang itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro at
lagi itong pasalamatan.
Nasa 66 naman ang nagtapos na kalalakihan sa
nasabing paaralan at 78 naman ang babae.
No comments:
Post a Comment