Posted March 27, 2014 as of 12 noon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang payo ni bagong KBP Aklan Chairman, Ron
Bautista sa mga estudyanteng magtatapos ngayon at balak pumasok sa mundo ng
media.
Aniya, kaakibat sa trabaho ng pagiging mamamahayag
ang responsibilidad sa publiko na maghatid ng serbisyo sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tamang impormasyon, social education at entertainment.
Gayunpaman, kung masasabi umanong malawak man ang
sakop nito, kinakailangan ang buong pusong pagmamahal sa ganitong trabaho at
dapat gusto mo ang ginagawa mo.
Samantala, isa naman sa mga nakatakdang programa at
mekanismo ng KBP Aklan ngayong taon ay may kinalaman sa edukasyon at mga
konseptong may kaugnayan sa isyung pangkapaligiran.
Patuloy rin umano ang pakikipagtulungan ng
organisasyon sa mga ahensya ng gobyerno upang mas makapagbigay tulong sa
komunidad.
Nanumpa naman si Bautista sa posisyon bilang bagong
pangulo ng KBP Aklan kahapon sa Aklan Governor’s Guest House.
No comments:
Post a Comment