Posted March 25, 2014 as of 12 noon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Siniguro ng National Grid Corporation of the
Philippines (NGCP) sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang kumpletong supply
ng kuryente sa probinsya.
Kaugnay nito, kumpyansa rin umano ang Aklan
Electric Cooperative (AKELCO), na maibabalik na sa normal ang kanilang serbisyo
sa pagtatapos nitong buwan ng Marso.
Sa ginanap 10th Regular SP Session nitong myerkules, sinabi ng NGCP sa pangunguna ni Engr. Rey Jaleco at AKELCO General Manager Chito Peralta na kanilang pipiliting maibalik ang serbisyo ng 138KV transmission line papuntang Nabas Sub-station, na siya namang pinagkukunan ng suplay ng kuryente ng Boracay.

Ayon naman kay GM Peralta, ang AKELCO ay kumukuha
ng power supply sa 50 MVA sub-station transformer sa Panit-an Capiz habang
itina-transmit sa 69KV transmission lines na may limang steel towers sa pagitan
ng Dingle (Iloilo)-Panit-an grid at 132 steel towers sa pagitan ng
Panit-an-Nabas grid.
Sinabi din ni Jaleco na ang peak power demand
ngayon sa AKELCO ay 43.69MW kung saan nakakapagbigay lamang ang 69KV line ng
38MW at kalahati sa 87 percent nito ay ginagamit sa Boracay.
Samantala, matatandaang ikinabahala ni Vice
Governor Gabrielle Calizo-Quimpo ang kaugnay sa rehabilitation at restoration
project ng mga energy authorities lalo na ngayong peak season.
No comments:
Post a Comment