YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 27, 2014

Grupong BAYAN Aklan, pinaiimbestigahan sa SP Aklan ang umano’y pananakot ng mga myembro ng AFP sa programa nito sa radyo

Posted March 27, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinag-aaralan na ng SP Aklan ang sulat ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN- Aklan sa Provincial Government.

Ito’y kaugnay sa apela ng nasabing grupo sa SP Aklan na imbestigahan ang umano’y pananakot ng mga miyembro ng AFP sa kanilang programa sa radyo.

Ayon sa sulat ng pinuno at mga myembro ng nasabing grupo sa SP Aklan, tila nanakot umano ang ilang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Army na may block time program sa radyo.

Samantala, ang AFP at Philippine Army ay kasalukuyang may programang “Katapatan Hour” at “Philippine Army Hour” sa tatlong mga AM Stations sa probinsya kung saan nagbibigay impormasyon laban sa mga rebeldeng grupo sa bansa.

Nabatid na nagpadala ng sulat sa SP Aklan ang nasabing grupo upang umapelang imbestigahan ang isyu.

No comments:

Post a Comment