Nakikisilong
na lang sa ilang resort sa Boracay ang mga taga MABOVEN o Malay-Boracay Vendors
association.
Ito’y
matapos ipatupad ng Boracay Redevelopment Task Force ang pagtanggal sa mga
istraktura sa vegetation area ng isla nitong nagdaang linggo.
Kasama
rin kasi sa mga ipinatanggal doon ng task force ang mga tent at beach bed na
ginagamit ng mga taga MABOVEN.
Si
‘Aling Daisy’, walong taon na umanong nagtatrabaho bilang masahista sa Boracay.
Ikinuwento
nito na tatlong araw na silang walang kinita, matapos mawalan ng puwesto sa
nakasanayan nilang lugar.
Nakakapanghinayang
din umano na naapektuhan maging ang kanilang mga returning guest.
Mabuti
na lang at pinayagan sila ng ilang resort sa beach front na makalipat at muling
makapaghanap-buhay.
Problema
nga lang ayon pa kay ‘Aling Daisy’, na hindi na nakabalik pa ang iba nilang mga
kasama.
Bagama’t aminado si ‘Aling Daisy’na naninibago ito sa kanilang sitwasyon sa
ngayon.
Sinabi
nito na ‘ok’ din sa kanila ang naging hakbang ng Boracay Redevelopment Task
Force sa isla.
No comments:
Post a Comment