Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Guwardiyado sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo, ang suspek
sa pagpatay sa isang lalaki sa Ibajay, Aklan.
Ayon kay SPO2 George Flores ng Ibajay PNP station, pina-follow
up pa nila ang nasabing kaso na nangyari nitong Miyerkules ng hapon.
Nabatid na dead on the spot ang biktimang si Antonio
Panagsagan ng Rigador, Ibajay, matapos makaaway ang suspek na si Enrique
Sandoval ng Polo, Ibajay at empleyado umano ng DENR o Department of Environment
and Natural Resources.
Sa inisyal na imbistigasyon ng Ibajay PNP, galing sa
inuman ang suspek at may dalang kutsilyo, nang puntahan nito ang biktima sa
kanyang bahay.
Isang pagtatalo umano ang namagitan sa dalawa na nauwi
naman sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Sinasabing may patalim din ang biktima kung kaya’t
nasugatan nito ang suspek.
Samantala, nagawa namang pumara ng sasakyan ang suspek at
ipina-admit ang sarili sa ospital matapos ang insidente.
Kasalukuyang binabantayan ng mga pulis ang suspek sa
ospital sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment