Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos silang ireklamo ng ilang mga nakasaksing
dispatchers ng bangka na nagtatapon umano sila ng kanilang sea waste sa dagat
malapit sa Boracay.
Kung saan kinuhaan pa nila ito ng litratong bilang
patunay na totoo ang kanilang nasaksihan at ipinakita sa SB Malay.
Nabatid naman na sinabi noon ni Caticlan Philippine Coast
Guard PO1st Rokie Borja, na nagtungo umano ang Oyster ferry sa Navotas City
para magsagawa ng pagda-“dry dock” matapos ang kontrobersya.
Aniya, ginagawa naman umano ito ng nasabing Ferry
taon-taon para maayos at palitan ang mga sira sa barko.
Pinadlhan naman noon ni Caticlan Administrator Nieven
Maquirang ng sulat ang pamunuan ng Marina kaugnay nito.
Sa ngayon maayos ng nakakapag biyahe ang Oyster Ferry
matapos maayos ang problema ng kanilang barko.
No comments:
Post a Comment