Papalitan
na sa susunod na taon ang arrangement ng SB Session hall.
Ito
ang sinabi ni SB Secretary Concordia Alcantara, kaugnay sa panukala ni SB
Member Aguirre nitong Martes sa session.
Iminungkahi
kasi ni SB Aguirre na mas maganda kung nakaharap sa presiding officer ang mga
miyembro ng konseho.
Mapapansing
nagkakaharap-harap ang mga konsehal sa loob ng session hall tuwing may sesyon
habang nakatagilid naman sa presiding officer.
Ayon
pa kay Alcantara, dati na rin umano nilang arrangement na nakaharap sa
presiding officer ang mga konsehal, subali’t pinalitan lang sa panahon ni
dating Vice Mayor Ceciron Cawaling.
Wala
namang pagtutol mula sa iba pang miyembro ng konseho ang suhestiyong ito ni
Aguirre.
No comments:
Post a Comment