Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hinandugan ng patubig ng
Boracay Island Water Company (BIWC) ang Barangay Nabaoy sa bayan ng Malay.
Ito ang kauna-unahang
proyekto ng BIWC na inaprobahan ng Multipartite Monitoring Team noong Hunyo
2012.
Ginanap ang nasabing
Turnover Ceremony & Sustainability Report Launch sa Nabaoy Elementary
School grounds kaninang alas-diyes ng umaga.
Kasabay nito, minarkahan
ang pagpatupad ng kauna-unahang Sustainability Report na may temang “Sustaining
Tourism” na naaayon sa Global Initiative Reporting (GRI) G3.1 Level C standards
ng reporting.
Kasama sa mga dumalo sa
nasabing aktibidad ang mga taga DENR, TIEZA at Manila Water Foundation.
Dumating din sina Hon.
Teodorico Haresco Jr.,Mayor John Yap, at si Sangguniang Panlalawigan Esel
Flores na siyang tumayong representative ni Governor Joeben Miraflores.
Samantala, ikinatuwa
naman ng mga taga Barangay Nabaoy ang biyayang natanggap mula sa BIWC.
No comments:
Post a Comment