Binalaan
ngayon ng Boracay PNP ang mga nagbebenta ng iligal na droga sa isla.
Ayon
kay Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan.
Nararapat
lamang na tigilan na ng mga nagtitinda ng iligal na droga ang kanilang ginagawa
sa Boracay.
Ito’y
may kaugnayan sa pagkakatiklo ng dalawang lalaki kagabi sa isang buy-bust
operation sa barangay Balabag.
Natimbog
ng mga operatiba ng Boracay PNP ang mga suspek, kung saan narekober ang ilang
plastic sachet ng iligal na droga at isang kalibre ng baril.
No comments:
Post a Comment