Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Abala ang District Malay sa gaganaping Unit Meet bukas kung
saan sila ang magiging host ngayong taon.
Ayon kay Malay District Supervisor Jessie S. Flores, ang tema
ngayon ay Palarong Pampaaralan, Malusog na Pangangatawan sa Tuwid na Daan.
Ibinigay umano nila ang lahat ng kanilang makakaya para
sa nasabing event upang ipakita sa mga partisipante, at opisyal ng ibat-ibang paaralan
ang kanilang kahandaan.
Aniya, ang LGU Malay ay nagbigay din ng buong suporta para
Unit IV Schools Sports Meet na maging memorable, makabuluhan at entertaining
ang magaganap na palaro bukas.
Magiging panauhing pandangal naman sa okasyon si Dr.
Jesse M. Gomez Schools Division Superintendent Division of Aklan at ilan pang
matataas na opisyal ng DepEd.
Nagpaabot naman ng pagbati si Aklan Governor Florencio
Miraflores sa lahat ng mga kalahok at sa bumubuo ng nasabing palaro.
Samantala, kabilang sa mga bayan na kasali para sa Unit
Meet 2013 ay ang mga bayan ng Tangalan, Nabas, Buruanga at Malay.
Tiwala naman ang District Malay na makakamit nila ang
tagumpay ngayong taon dahil sa pagiging masigasig sa paghahanda ng mga batang
kalahok para sa naturang Unit Meet 2013.
No comments:
Post a Comment