Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ipinagmalaki ng Department of Tourism Boracay ang
pangunguna sa Arta Excellent Award.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, nanguna
umano sila sa ratings na 93.64 at sinundan naman ng NSO Kalibo sa ratings na
92.3.
Ilan naman umano sa mga tumanggap kahapon ng nasabing
parangal ay ang LTO Capiz, DBP Bacolod at GSIS Bacolod at iba pa na nakakuha
naman ng rate na 90.
Aniya, personal na ibinigay sa kanila ang parangal ni
Francisco Duque Chairman ng civil Service Commission.
Present din umano ang lahat ng Regional Director ng
National Government Agencies kaya naging proud aniya ang mga Director ng
awardees.
Dagdag pa ni Ticar, wala siyang kaalam-alam na
minomonitor ang kanilang trabaho at inaalam ang kanilang serbisyo sa mga
turista.
Iyon aniya ang naging basehan para makuha nila ang nasabing
parangal.
Tuwang-tuwa naman si Ticar, sa pagkapanalo nila at
nangako naman ito na pagbubutihan pa nila ang kanilang trabaho.
Ang Arta Excellent Award ay pagkilala sa mga ahensya na
may tamang pagserbisyo sa kanilang kliyente at ipinapakita ang kanilang tamang
kaugalian.
No comments:
Post a Comment