Kalaboso ang inabot ng isang babae matapos matimbog kagabi
sa entrapment operation dahil sa kaso ng human trafficking.
Kaagad na ipinagkatiwala ng mga taga Regional
Intillegence Division ng Police Regional Office 6 ang babaeng suspek sa Boracay
PNP.
Ayon sa report, pinangakuan umano ng isang babae ang
isang menor de edad at ang diyes y siete anyos na kasama nito na magtatrabaho
bilang waitress sa Boracay.
Subali’t minarapat ng mga itong magsumbong sa mga
otoridad nang makutubang hindi pagwe-waitress ang kanilang kahahantungan.
Dahil dito, naghanap umano sila ng paraan upang
makahingi ng tulong sa mga otoridad na kaagad namang nagsagawa ng entrapment
operation.
Sa ngayo’y nasa kustodiya na ng Boracay PNP ang suspek
para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment