Ni Bert Dalida,YES FM Boracay
Hindi na nakatakas pa ang dalawang lalaki sa Boracay
matapos matimbog ng mga operatiba sa isang buy-bust operation sa Baranggay
Balabag.
Sa pinagsanib na pwersa ng Boracay PNP at Provincial
Intelligence Branch Operatives.
Nadakip ang mga suspek na sina Carmilino Solano y
Maratas, trenta’y kuwatro anyos, ng Rodila Camotes, Cebu City, at Jeffrey
Wongli y Atuel, trenta’y tres anyos ng Sampalok, Manila.
Dakung alas diyes kagabi nang maganap ang bentahan ng
illegal na droga sa pagitan ng suspek at nagpanggap na buyer na nagresulta sa
kanilang pagkadarakip.
Narekober mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng
hinihinalang shabu kapalit ng isang libong piso, maliban pa sa pitong sachet,
marked money at isang Daewoo 9mm na baril at mga bala mula kay Solano.
Samantala, narekober din mula kay Wongli ang isang sachet
ng hinihinalang shabu.
Nang samahan naman ng mga operatiba ang mga suspek sa
pagkuha ng kanilang gamit sa tinutuluyang apartment.
Narekober din ang ilang drug paraphernalia, isang plastic
sachet ng pinaniniwalaang dahon ng marijuana at dalawampu’t lima pang bala ng
9mm.
Nahaharap naman sa kasong illegal possession of fire arms
and ammunitions at pagbibenta ng ipinagbabawal na droga ang mga suspek.
No comments:
Post a Comment