Ni Jay-ar M. Arante, Yes Fm Boracay
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, isa
sila sa mabibigyan ng National awardees ng Civil Service Commission.
Mismong si Chairman Francisco Duque umano ng Civil Service
Commission ang magbibigay sa kanila ng nasabing parangal.
Aniya, kabilang sa makakatanggap ng parangal na ito na mula
sa Aklan ay ang National statistic Office (NSO) sa bayan ng Kalibo.
Dagdag pa ni Ticar, hindi nila alam na may-nagmamatayag
na pala sa kanilang ginagawa na mga tauhan ng CSC kung paano sila magtrabaho.
At kung paano sila magserbisyo sa mga turista gayon din
sa pangangalaga ng tursimo ng Boracay.
Ito umano ang naging batayan kung paano nila nakamit ang
nasabing parangal dahil sa kanilang ipinapakitang paninirbisyong totoo.
Samantala, Ikinatuwa naman ni Ticar ang panibagong
nakuhang karangalan na ito na kanilang maipagmamalaki.
Kung saan ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat
kay DOT Regional Director Helen Catalbas, dahil sa walang sawa umanong
pagsuporta sa kanila gayon din sa kaniyang mga staff at sa mga mahal sa buhay.
No comments:
Post a Comment