Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inspeksyon ng Sanitation office ang La Carmela de Boracay
dahil sa nangyaring food poisoning kagabi.
Ayon sa Sanitation office dapat kaninang umaga pa sila
magsasagawa ng inspeksyon sa nasabing resort pero hindi sila pinayagan na
makapasok ng pamunuan nito.
Ayon naman sa La Carmela Boracay nagsasagawa pa umano
sila ng imbestigasyon kaya’t hindi nila hinayaang may makapasok na ibang tao sa
kanilang resort.
Dagdag pa ng mga taga sanitation, halos sumobra sa
tatlumpong mga estudyante at mga guro ang nakaranas ng pananakit ng tiyan, panghihina
ng katawan at pagtatae na agad namang isinugod sa malapit na pagamutan.
Kabilang sa mga nabiktima dito ay mga guro na kasamahan
ng mga estudyante kagabe na naghahaponan bandang alas siyete kagabe.
Naging abala naman umano ang La Carmela sa kanilang mga
bisitang nabiktima ng food poisoning kayat natagalan ang kanilang pag-iinspeksyon
dito.
Ang mga nasabing biktima ay mula pa sa Assumption
University sa San Fernando Pampanga para sa isang Field Trip dito sa Boracay.
Sa ngayon wala paring pahayag ang pamunuan ng La Carmela
Resort tungkol sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment