Mga
walis at plastik na lalagyan ng basura.
Ito
ang hawak-hawak ng mga taga BTAC o Boracay Tourist Assistance Center nang
suyurin ng mga ito ang dalampasigan ng Station 1 Boracay.
Nakilahok
kasi sila sa beach clean-up ng BFI o Boracay Foundation Incorporated.
Ayon
kay PO3 Christopher Mendoza ng Police Community Relations Section ng Boracay
PNP, Kakaunti na lang ang basurang nakuha nila nitong Sabado ika-7 ng
Setyembre, dahil nauna nang nag clean-up ang mga taga Barangay Balabag.
Bahagi
umano ng kanilang pagiging Pulis-Makakalikasan ang pagtulong nila sa mga taga
BFI at bilang paghahanda sa nalalapit na
international coastal clean-up.
Sinabi
pa ni Mendoza na nakahanda silang makilahok sa mga aktibidad ng kahit anong
organisasyon basta para sa komunidad.
Samantala
nakilahok din sa nasabing clean-up ang ilang miyembro ng Bureau of Fire, BIWC
at iba pang volunteers sa isla.
No comments:
Post a Comment