Inireklamo ng iskandalo ang dating hepe ng Boracay
PNP na si Police Chief Inspector Christopher Prangan.
Dalawang security guard at isang maintenance ng D’mall
of Boracay ang pormal na naglatag ng kanilang reklamo sa Boracay PNP nitong
hapon, kaugnay sa nasabing insidente.
Alas nuwebe kuwarenta ng gabi nitong nagdaang
Sabado nang lumapit umano sa sekyung si Jun Bacarro ang suspek at nagreklamo
tungkol sa basura sa D’mall.
Nagpakilala umano ito bilang hepe ng Boracay PNP
habang inaangat ang kanyang damit at ipinakita ang kanyang baril.
Kaagad namang ipinagbigay alam ng sekyu sa taga
maintenance ng D’mall ang reklamo ni Prangan upang ma-aksyunan.
Subali’t nagalit umano si Prangan nang dumating ang
isa pang kasamang sekyu ni Bacarro na si Jessie Flores.
Kinumpronta at pinagmumura umano nito si Flores at
sinabihang “hindi ipapa-renew ang kanilang mga lisensya, sabay biglang hinablot
ang ID holder ni Bacarro.
Nakunan naman ng security camera doon ang insidente
na isa sa mga isinumite ng mga complainant.
Samantala, nabatid na unang nagreklamo si Prangan
nang gabi ding iyon laban naman sa mga nasabing security guard, matapos umanong
tanggihan ang kanyang ipinag-uutos na alisin ang basura sa kanilang daraanan.
No comments:
Post a Comment