Inaasahang sa katapusan pa ng buwan ng Setyembre ngayong taon
lalarga ang Electric Tricycle o
(e-trike) sa isla ng Boracay.
Ayon kay Gerweiss Motors Corporation President and CEO Sean Gerard
Villoria.
Naantala ang kanilang delivery nitong buwan ng Agosto pero nasa Manila
na umano ngayon ang mga ito at handa nang ipadala sa isla.
Mayroon umanong tatlumpung Electric Tricycle (E-Trike) ang inaasahan
nilang maide-deliver sa isla ng Boracay kada katapusan ng buwan ngayong taon.
Sa kabilang banda, sinabi naman kahapon ni Malay SB Member Leal
Gelito, na wala pa silang natatanggap na pormal na abiso mula sa Gerweiss kung kailan
na ito sisimulang maipasada sa Boracay.
Dagdag pa ni Gelito, may ibang mga electric tricycle ngayon ang
bumibiyahe sa Boracay na pinamamahalaan naman ng BLTMPC o Boracay Land
Transport Multi Purpose Cooperative.
No comments:
Post a Comment