Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi pa umano masisimulan ang proyektong nais ipatupad
ng Sangguniang kabataan ng Malay na livelihood project.
Ayon kay Malay SK Federation President Cristina Daguno, ito
sana ang kanilang panghuling proyektong gagawin bago magtapos ang kanilang
termino ngayong taon.
Pero ngayon ay pinag-aaralan pa umano ang ito bago
tuluyang ipagawa.
Aniya, magandang proyekto sana ito kung matutuloy dahil may
malaking tulong ito sa mga kabataan lalo na sa ilang mga “out-of-school youth”.
Nabatid na ang proyektong ito ay ipapatayo sa barangay ng
Dumlog o Kabulihan bilang isang magandang lugar na pweding pagtayuan ng
ganitong klasing proyekto gaya ng pag-aalaga ng mga manok at iba pa.
Samantala, sinabi naman ni Daguno na kung hindi matutuloy
ang gagawing Sk eleksyon ngayong darating na Oktobre ay sinisigurado naman
umano nila na mas lalo pa nilang pag-iibayuhin ang kanilang serbisyo lalo na sa
mga kabataang Malaynon.
No comments:
Post a Comment