Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Ipinaliwanag ngayon ng Aklan Electric Cooperative o
AKELCO ang manaka-nakang power interruption na nararanasan sa isla ng Boracay.
Ayon kay AKELCO Boracay Area Engr. Wayne Bocala, mayroon
silang on-going at naka-program na paglilipat ng mga poste at pag-aayos ng mga
linya ng kuryente sa isla, kung saan isa-isa nila itong ginagawa sa ngayon.
Pero hangga’t maaari aniya ay binabawasan din nila ang
power interruption.
Katunayan,may nakatakda sanang power interruption kahapon,
ngunit ipinagpaliban ito sa susunod na linggo ito dahil hindi umano kakayanin
ng isang araw lang ang gagawin nila.
May mga pangyayari din umano na nagkakaroon ng biglang
pagkawala ng kuryente.
Ngunit hindi umano ito nanggagaling sa Akelco kundi sa
National Grid Corporation of the Philippines.
Kaugnay nito, siniguro naman ni Bocala na kanila umanong
ginagawa ang kanilang trabaho at bukas ang kanilang opisina anumang oras na may
katanungan ang publiko may kinalaman sa mga power interruption sa isla.
No comments:
Post a Comment