Posibleng
kasuhan ng D’mall ang dating hepe ng Boracay PNP na si Police Chief Inspector
Christopher Prangan.
Nakatakdang
tumungo sa himpilan ng Boracay PNP ang abogado ng D’mall upang kumuha ng kopya
ng police report tungkol sa reklamong inilatag ng security guard doon.
Samantala,
nabatid na unang nagreklamo si Prangan nitong nagdaang Sabado ng gabi sa mga
nasabing security guard.
Ipinag-uutos
umano kasi ni Prangan sa security guard na si Jun Bacarro na alisin ang basura
sa kanilang daraanan papasok sa Grand Boracay Resort.
Ayon
sa report, nagalit si Prangan nang hindi inaksyunan ng sekyu ang kanyang gusto,
hanggang sa nagpakilala umano ito bilang dating hepe ng Boracay PNP.
Samantala,
ayon naman sa salaysay ng sekyu, nasa impluwensiya ng alak si Prangan nang
mangyari ang insidente, kung saan pinagmumura nito ang sekyu at ang isa pang
kasama nito, at binalaang hindi ipapa-renew ang kanilang lisensya.
No comments:
Post a Comment