Mabusising pinaghahandaan ng Division of Aklan at ng District ng
Malay ang nalalapit na launching ng text2teach project ng Ayala foundation sa
darating na Oktubre.
Ayon kay Public District Supervisor Jesie S. Flores, dadaluhan ito
ng mga VIP’S ng Ayala Foundation at ng ilang matataas na opisyal ng DepEd
(Department of Education).
Aniya, isa itong malaking okasyon sa Distrito ng Malay dahil sa
pagbabahagi sa kanila ng nasabing foundation ng proyektong may malaking papel
sa mga batang mag-aaral.
Dagdag pa ni Flores, higit na kailangang mabigyan dito ng pagsasanay
ang mga gurong magtuturo ng text2teach sa grade five at grade six.
Ilan sa gagamitin sa nasabing proyekto ay ang equipments mobile
phone na gagamitin ng guro, isang prepaid SIM card, at isang 29-inch colored
television.
Masaya naman si Flores dahil lahat ng mga paaralan sa elementarya ng
Malay ay kabilang sa nasabing proyekto.
Samantala, ang Text2Teach ay isang programa na nagdadala ng
educational content sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa pamamagitan
ng mga video na nai-download sa pamamagitan ng Short Messaging System (SMS).
No comments:
Post a Comment